Image

Ang PalayCheck app ay isang farm management
smartphone app na dinevelop ng DA-PhilRice na naka-ayon sa PalayCheck system.

Image

Ano ang PalayCheck app?
























Picture Logo

Mayroon itong cropping calendar mula paghahanda ng lupa, pagtatanim hanggang pag-aani.

Gumagawa ito ng iskedyul ng mga gawain base sa utatanim mong barayti ng palat at paraan ng pagtatanim nang makasigurong tama ang iyong pamamahala.

Picture Logo

Makakatanggap ka ng mga gabay sa pamamahala ng iyong tanim na angkop sa edad nito.

Ito ay mga paalala ng mga kailangan mong gawin at bantayan sa iyong palayan patungkol sa peste, sakit, aptubig, at pag-aabono.

Picture Logo

Masinop mong maire-record ang gastos ng bawat gawain sa iyong palayan.

Ilagay ang kaukulang impormasyon ng mga gastusin at ng iyong kabuuang benta, at ibibigay ng app ang iyong kabuuang gastos at netong kita para sa buong cropping season.


Paano gamitin ang PalayCheck App?






















1. MAG SET-UP NG ACCOUNT

Sa unang gamit ng app, kailangan mong mag-sign up. Sa susunod ay kailangan mo na lamang mag-log-in gamit ang iyong e-mail at password.

Upang makagawa ng account, i-click ang 'Mag-register'.

Ilagay ang iyong RSBSA number (kung mayroon), apelyido at petsa ng kapanganakan. Kung wala naman ay manual na sagutan ang bawat hinihinging impormasyon.

Sagutan ang mga personal na detalye katulad ng pangalan, mobile number, petsa ng kapanganakan, tirahan, organisasyon, at iba pa.

I-click ang 'Register' kung tapos mo nang sagutan lahat.

REGISTER

Pagkagawa ng iyong account, kailangan mo namang ilagay ang detalye ng iyong palayan.

Sa home page, i-click ang 'Aking Palayan'.

Ilagay ang detalye ng iyong palayan katulad ng lugar, sukat, pinagkukunan ng patubig at pagmamay-ari ng sakahan.

I-click ang 'Save' kung tapos mo nang sagutan lahat.

SAVE

2. GUMAWA NG CROP CALENDAR

Ang crop calendar ay naglalaman ng mga petsa at gawain sa pagsasaka ng farmer upang mapanatili ang organisasyon at tamang pagsunod sa mga gawain.

Sa page na 'Aking Palayan', i-click ang iyong palayan at saka i-click ang 'Bagong Taniman'.

Sagutan ang lahat ng hinihinging impormasyon sa kategorya ng 'Pagpili ng binhi' katulad ng barayti ng palay at detalye ng binhi. I-click ang 'Susunod'.

Sa kategorya na 'Pamamahala ng pataba', piliin ang naaangkop sa iyo. I-click ang Susunod'.

Sa kategorya na Crop Calendar' nakalagay ang iyong iskedyul ng mga gawain, i-click ang'Simulan ang pagsasaka'.

Nilalaman din nito ang bawat recommended iskedyul ng gawain batay sa Sistemang PalayCheck. Makikita mo rin ang kalagayan ng iyong palayan base sa edad nito mula pagkatanim hanggang sa pag-ani.

SIMULAN ANG PAGSASAKA

3. MAGRECORD NG ACTIVITIES

I-record ang bawat gawain sa iyong palayan kasama ang gastos para sa masinop na pagkompyut ng kabuuang gastos at netong kita.

MAGDAGDAG NG GAWAIN